Ang bibingka (Ingles:
rice cake) ay isang uri ng mamon na gawa mula sa malagkit na bigas o galapong
at gatas ng buko.[1]
Isa rin itong pagkaing meryenda sa Goa, Indya - ang bebinca - na ang ginagamit na
mga sangkap ay harina, langis na ghee, asukal, at
gata, at hindi nawawala sa anumang handaang katulad ng pagsilang, kasal, Pasko o Pasko ng Pagkabuhay. Niluluto ito sa isang
hurnuhang yari sa putik, pinaiinitan ng mainit na uling na
nakapatong sa ibabaw ng lutuin. Iniihaw ito ng patung-patong. Karaniwan
na ang may 16 na mga patong. Bilang tanyag na pagkain sa Pilipinas,
karaniwan naman itong ginagamitan ng galapong, at ang paghuhurno ay
katulad ng sa pagluluto ng bebinca ng Indya, ngunit bago ihain ay
pinapahiran muna ito ng mantekilya o margarina
(mantekilyang gawa sa niyog) at binubudburan ng asukal. Isinisilbi ito
na may kasamang ginadgad na niyog.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento